Exodus 27

Ang haba ng bakuran ay 150 talampakan at ang lapad ay pitumpuʼt limang talampakan. Mayroon itong tabing na gawa sa hinabing pinong lino, na pitoʼt kalahating talampakan ang taas. Ang mga patungan nitoʼy gawa sa tanso.

Exodus 27:18 (UKJV) The length of the court shall be an hundred cubits, and the breadth fifty every where, and the height five cubits of fine twined linen, and their sockets of brass.

16“Para sa pintuan ng bakuran, palagyan mo ng tabing na tatlumpung talampakan ang haba na gawa sa lanang asul, ube at pula at hinabing pinong lino. At binurdahan ng mambuburda. Nakasabit ito sa apat na haligi na nakasuksok sa apat na patungan.

17Kailangang may kawit at baras na pilak ang lahat ng haligi sa palibot ng bakuran, at kailangan ding may mga tansong patungan.

18Ang haba ng bakuran ay 150 talampakan at ang lapad ay pitumpuʼt limang talampakan. Mayroon itong tabing na gawa sa hinabing pinong lino, na pitoʼt kalahating talampakan ang taas. Ang mga patungan nitoʼy gawa sa tanso.

19Kailangang purong tanso ang lahat ng kagamitan sa Tabernakulo pati na ang lahat ng tulos ng Tolda at sa bakuran nito.

20“Utusan mo ang mga Israelita na dalhan ka nila ng purong langis na mula sa pinigang olibo para sa mga ilaw upang tuloy-tuloy ang pag-ilaw nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.