Exodus 27

“Utusan mo ang mga Israelita na dalhan ka nila ng purong langis na mula sa pinigang olibo para sa mga ilaw upang tuloy-tuloy ang pag-ilaw nito.

Exodus 27:20 (UKJV) And you shall command the children of Israel, that they bring you pure oil olive beaten for the light, to cause the lamp to burn always.

18Ang haba ng bakuran ay 150 talampakan at ang lapad ay pitumpuʼt limang talampakan. Mayroon itong tabing na gawa sa hinabing pinong lino, na pitoʼt kalahating talampakan ang taas. Ang mga patungan nitoʼy gawa sa tanso.

19Kailangang purong tanso ang lahat ng kagamitan sa Tabernakulo pati na ang lahat ng tulos ng Tolda at sa bakuran nito.

20“Utusan mo ang mga Israelita na dalhan ka nila ng purong langis na mula sa pinigang olibo para sa mga ilaw upang tuloy-tuloy ang pag-ilaw nito.

21Ilagay ang lalagyan ng ilaw sa labas ng kurtina na tumatakip sa Kahon ng Kasunduan. Si Aaron at ang mga anak niyang lalaki ang mag-aasikaso sa mga ilaw sa Tabernakulo. Sisindihan nila ito sa aking presensya araw at gabi. Ang tuntuning itoʼy dapat sundin ng mga Israelita at ng susunod pa nilang mga henerasyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.