Exodus 27

Ang pintuan ng bakuran ay nasa silangan, at may mga kurtina rin ito sa gilid. Ang kurtina sa kanan ay dalawampuʼt dalawa at kalahating talampakan ang haba, at nakakabit sa tatlong haligi na nakasuksok sa tatlo ring patungan.

Exodus 27:14 (UKJV) The hangings of one side of the gate shall be fifteen cubits: their pillars three, and their sockets three.

12“Ang kurtina sa bandang kanluran ay may sukat na pitumpuʼt limang talampakan ang haba at nakakabit ito sa sampung haligi na nakasuksok sa sampung patungan.

13Ang kurtina sa bandang silangan ay pitumpuʼt limang talampakan ang haba.

14Ang pintuan ng bakuran ay nasa silangan, at may mga kurtina rin ito sa gilid. Ang kurtina sa kanan ay dalawampuʼt dalawa at kalahating talampakan ang haba, at nakakabit sa tatlong haligi na nakasuksok sa tatlo ring patungan.

15Ang kurtina sa kaliwa ay dalawampuʼt dalawa at kalahating talampakan ang haba, at nakakabit din ito sa tatlong haligi na nakasuksok sa tatlo ring patungan.

16“Para sa pintuan ng bakuran, palagyan mo ng tabing na tatlumpung talampakan ang haba na gawa sa lanang asul, ube at pula at hinabing pinong lino. At binurdahan ng mambuburda. Nakasabit ito sa apat na haligi na nakasuksok sa apat na patungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.