30Ilagay sa pektoral ang Urim at Tumim upang naroon ito sa bulsa ni Aaron kapag pupunta siya sa aking presensya upang malaman ang kalooban ko para sa mga Israelita.
31“Ang damit-panlabas na napapatungan ng efod ay kailangang purong asul
32at may butas sa gitna para sa ulo. At kailangang lagyan ng butas ang parang kuwelyo upang hindi ito mapunit.
33Sa palibot ng laylayan, magpagawa ka ng mga palamuting parang prutas na pomegranata, na gawa sa lanang kulay asul, ube at pula, at mga kampanilyang ginto sa pagitan ng mga ito.
34Magkasalit ang mga kampanilyang ginto at ang mga palamuting pomegranata sa palibot ng buong laylayan.