Exodus 28

Magkasalit ang mga kampanilyang ginto at ang mga palamuting pomegranata sa palibot ng buong laylayan.

Exodus 28:34 (UKJV) A golden bell and a pomegranate, a golden bell and a pomegranate, upon the hem of the robe round about.

32at may butas sa gitna para sa ulo. At kailangang lagyan ng butas ang parang kuwelyo upang hindi ito mapunit.

33Sa palibot ng laylayan, magpagawa ka ng mga palamuting parang prutas na pomegranata, na gawa sa lanang kulay asul, ube at pula, at mga kampanilyang ginto sa pagitan ng mga ito.

34Magkasalit ang mga kampanilyang ginto at ang mga palamuting pomegranata sa palibot ng buong laylayan.

35Kailangang isuot ito ni Aaron kapag papasok siya sa Banal na Lugar upang maglingkod sa aking presensya, upang marinig ang tunog ng mga kampanilya kung papasok at lalabas si Aaron sa Banal na Lugar. Kung gagawin niya ito, hindi siya mamamatay.

36“Magpagawa ka ng palamuti na purong ginto at paukitan mo ito ng mga salitang: Ibinukod para sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.