Exodus 28

Kailangang isuot ito ni Aaron kapag papasok siya sa Banal na Lugar upang maglingkod sa aking presensya, upang marinig ang tunog ng mga kampanilya kung papasok at lalabas si Aaron sa Banal na Lugar. Kung gagawin niya ito, hindi siya mamamatay.

Exodus 28:35 (UKJV) And it shall be upon Aaron to minister: and his sound shall be heard when he goes in unto the holy place before the LORD, and when he comes out, that he die not.

33Sa palibot ng laylayan, magpagawa ka ng mga palamuting parang prutas na pomegranata, na gawa sa lanang kulay asul, ube at pula, at mga kampanilyang ginto sa pagitan ng mga ito.

34Magkasalit ang mga kampanilyang ginto at ang mga palamuting pomegranata sa palibot ng buong laylayan.

35Kailangang isuot ito ni Aaron kapag papasok siya sa Banal na Lugar upang maglingkod sa aking presensya, upang marinig ang tunog ng mga kampanilya kung papasok at lalabas si Aaron sa Banal na Lugar. Kung gagawin niya ito, hindi siya mamamatay.

36“Magpagawa ka ng palamuti na purong ginto at paukitan mo ito ng mga salitang: Ibinukod para sa Panginoon.

37Itali mo ito sa harap ng turban ni Aaron sa pamamagitan ng asul na panali,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.