Exodus 28

“Magpagawa ka ng palamuti na purong ginto at paukitan mo ito ng mga salitang: Ibinukod para sa Panginoon.

Exodus 28:36 (UKJV) And you shall make a plate of pure gold, and grave upon it, like the engravings of a signet, HOLINESS TO THE LORD.

34Magkasalit ang mga kampanilyang ginto at ang mga palamuting pomegranata sa palibot ng buong laylayan.

35Kailangang isuot ito ni Aaron kapag papasok siya sa Banal na Lugar upang maglingkod sa aking presensya, upang marinig ang tunog ng mga kampanilya kung papasok at lalabas si Aaron sa Banal na Lugar. Kung gagawin niya ito, hindi siya mamamatay.

36“Magpagawa ka ng palamuti na purong ginto at paukitan mo ito ng mga salitang: Ibinukod para sa Panginoon.

37Itali mo ito sa harap ng turban ni Aaron sa pamamagitan ng asul na panali,

38upang makita ito sa kanyang noo. Ipinapakita nito na dadalhin ni Aaron ang kahit anong kasalanang nagawa ng mga Israelita sa paghahandog nila sa Panginoon. Lagi itong ikakabit ni Aaron sa kanyang noo upang matuwa ang Panginoon sa mga mamamayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.