Exodus 28

upang makita ito sa kanyang noo. Ipinapakita nito na dadalhin ni Aaron ang kahit anong kasalanang nagawa ng mga Israelita sa paghahandog nila sa Panginoon. Lagi itong ikakabit ni Aaron sa kanyang noo upang matuwa ang Panginoon sa mga mamamayan.

Exodus 28:38 (UKJV) And it shall be upon Aaron's forehead, that Aaron may bear the iniquity of the holy things, which the children of Israel shall hallow in all their holy gifts; and it shall be always upon his forehead, that they may be accepted before the LORD.

36“Magpagawa ka ng palamuti na purong ginto at paukitan mo ito ng mga salitang: Ibinukod para sa Panginoon.

37Itali mo ito sa harap ng turban ni Aaron sa pamamagitan ng asul na panali,

38upang makita ito sa kanyang noo. Ipinapakita nito na dadalhin ni Aaron ang kahit anong kasalanang nagawa ng mga Israelita sa paghahandog nila sa Panginoon. Lagi itong ikakabit ni Aaron sa kanyang noo upang matuwa ang Panginoon sa mga mamamayan.

39“Ang damit-panloob ni Aaron ay kailangang pinong lino, ganoon din ang kanyang turban at ang sinturon na binurdahan ng maganda.

40Magpatahi ka rin ng mga damit-panloob, mga sinturon, at mga turban para sa mga anak ni Aaron para sa ikararangal nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.