Exodus 29

Kumuha ka sa basket ng mga tinapay na walang pampaalsa na inihandog sa akin: isang makapal na tinapay, isang maliit na tinapay na hinaluan ng langis ng olibo at isang manipis na tinapay.

Exodus 29:23 (UKJV) And one loaf of bread, and one cake of oiled bread, and one wafer out of the basket of the unleavened bread that is before the LORD:

21Kumuha ka ng kaunting dugo sa altar at ihalo ito sa langis na pambuhos, iwisik ito kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki, at sa kanilang mga damit. Sa pamamagitan nito, maitatalaga si Aaron at ang mga anak niya, pati na ang mga damit nila.

22“Pagkatapos, kunin mo ang taba ng tupa, ang matabang buntot, ang taba ng mga lamang-loob, ang taba ng atay, ang dalawang bato pati ang mga taba nito, at ang kanang hita. Ito ang tupang handog para sa pagtatalaga sa mga pari.

23Kumuha ka sa basket ng mga tinapay na walang pampaalsa na inihandog sa akin: isang makapal na tinapay, isang maliit na tinapay na hinaluan ng langis ng olibo at isang manipis na tinapay.

24Ipahawak mo itong lahat kay Aaron at sa mga anak niya, at itataas nila ito sa akin bilang mga handog na itinataas.

25Kunin mo ito sa kanila at sunugin sa altar kasama ng mga handog na sinusunog. Ito ay handog na nakakalugod ang samyo sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.