Exodus 29

Kumuha ka ng kaunting dugo sa altar at ihalo ito sa langis na pambuhos, iwisik ito kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki, at sa kanilang mga damit. Sa pamamagitan nito, maitatalaga si Aaron at ang mga anak niya, pati na ang mga damit nila.

Exodus 29:21 (UKJV) And you shall take of the blood that is upon the altar, and of the anointing oil, and sprinkle it upon Aaron, and upon his garments, and upon his sons, and upon the garments of his sons with him: and he shall be hallowed, and his garments, and his sons, and his sons' garments with him.

19“Pagkatapos, kunin mo ang isa pang lalaking tupa, at ipatong ang mga kamay ni Aaron at ng mga anak niya sa ulo ng tupa.

20Katayin ninyo ito at kumuha ka ng dugo, at ipahid sa ibabang bahagi ng kanang tainga ni Aaron at ng mga anak niya, at sa mga kanang hinlalaki ng kanilang kamay at paa. Pagkatapos, iwiwisik ang natirang dugo sa palibot ng altar.

21Kumuha ka ng kaunting dugo sa altar at ihalo ito sa langis na pambuhos, iwisik ito kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki, at sa kanilang mga damit. Sa pamamagitan nito, maitatalaga si Aaron at ang mga anak niya, pati na ang mga damit nila.

22“Pagkatapos, kunin mo ang taba ng tupa, ang matabang buntot, ang taba ng mga lamang-loob, ang taba ng atay, ang dalawang bato pati ang mga taba nito, at ang kanang hita. Ito ang tupang handog para sa pagtatalaga sa mga pari.

23Kumuha ka sa basket ng mga tinapay na walang pampaalsa na inihandog sa akin: isang makapal na tinapay, isang maliit na tinapay na hinaluan ng langis ng olibo at isang manipis na tinapay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.