Exodus 29

Kunin mo rin ang dibdib ng tupa na inihandog sa pagtatalaga kay Aaron at itaas nʼyo ito sa akin bilang handog na itinataas. Ito ang magiging bahagi mo.

Exodus 29:26 (UKJV) And you shall take the breast of the ram of Aaron's consecration, and wave it for a wave offering before the LORD: and it shall be your part.

24Ipahawak mo itong lahat kay Aaron at sa mga anak niya, at itataas nila ito sa akin bilang mga handog na itinataas.

25Kunin mo ito sa kanila at sunugin sa altar kasama ng mga handog na sinusunog. Ito ay handog na nakakalugod ang samyo sa akin.

26Kunin mo rin ang dibdib ng tupa na inihandog sa pagtatalaga kay Aaron at itaas nʼyo ito sa akin bilang handog na itinataas. Ito ang magiging bahagi mo.

27“Ialay mo rin sa akin ang mga parte ng tupang inihandog para sa pagtatalaga kay Aaron at ng mga anak niya, kasama na rito ang dibdib at hitang itinaas mo sa akin.

28Sa tuwing maghahandog ang mga Israelita ng mga handog pangkapayapaan, dapat ganito palagi ang mga parte ng mga hayop na mapupunta kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.