25Kunin mo ito sa kanila at sunugin sa altar kasama ng mga handog na sinusunog. Ito ay handog na nakakalugod ang samyo sa akin.
26Kunin mo rin ang dibdib ng tupa na inihandog sa pagtatalaga kay Aaron at itaas nʼyo ito sa akin bilang handog na itinataas. Ito ang magiging bahagi mo.
27“Ialay mo rin sa akin ang mga parte ng tupang inihandog para sa pagtatalaga kay Aaron at ng mga anak niya, kasama na rito ang dibdib at hitang itinaas mo sa akin.
28Sa tuwing maghahandog ang mga Israelita ng mga handog pangkapayapaan, dapat ganito palagi ang mga parte ng mga hayop na mapupunta kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki.
29“Kapag namatay na si Aaron, ang mga banal na damit niya ay ibibigay sa mga anak niya upang ito ang isuot nila kapag silaʼy bubuhusan ng langis at oordinahan.