Exodus 29

Sa tuwing maghahandog ang mga Israelita ng mga handog pangkapayapaan, dapat ganito palagi ang mga parte ng mga hayop na mapupunta kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki.

Exodus 29:28 (UKJV) And it shall be Aaron's and his sons' by a statute for ever from the children of Israel: for it is an heave offering: and it shall be an heave offering from the children of Israel of the sacrifice of their peace offerings, even their heave offering unto the LORD.

26Kunin mo rin ang dibdib ng tupa na inihandog sa pagtatalaga kay Aaron at itaas nʼyo ito sa akin bilang handog na itinataas. Ito ang magiging bahagi mo.

27“Ialay mo rin sa akin ang mga parte ng tupang inihandog para sa pagtatalaga kay Aaron at ng mga anak niya, kasama na rito ang dibdib at hitang itinaas mo sa akin.

28Sa tuwing maghahandog ang mga Israelita ng mga handog pangkapayapaan, dapat ganito palagi ang mga parte ng mga hayop na mapupunta kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki.

29“Kapag namatay na si Aaron, ang mga banal na damit niya ay ibibigay sa mga anak niya upang ito ang isuot nila kapag silaʼy bubuhusan ng langis at oordinahan.

30Ang mga angkan ni Aaron na papalit sa kanya bilang punong pari ang magsusuot ng mga damit na ito sa loob ng pitong araw kapag papasok siya sa Tabernakulo upang maglingkod sa Banal na Lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.