28Sa tuwing maghahandog ang mga Israelita ng mga handog pangkapayapaan, dapat ganito palagi ang mga parte ng mga hayop na mapupunta kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki.
29“Kapag namatay na si Aaron, ang mga banal na damit niya ay ibibigay sa mga anak niya upang ito ang isuot nila kapag silaʼy bubuhusan ng langis at oordinahan.
30Ang mga angkan ni Aaron na papalit sa kanya bilang punong pari ang magsusuot ng mga damit na ito sa loob ng pitong araw kapag papasok siya sa Tabernakulo upang maglingkod sa Banal na Lugar.
31“Kunin mo ang tupa na inialay sa pag-ordina at lutuin ang karne nito sa isang banal na lugar.
32Kakainin ito ni Aaron at ng mga anak niya, kasama ang tinapay sa basket, doon sa pintuan ng Tabernakulo.