Exodus 29

“Kaya gagawin kong banal ang Tabernakulo at ang altar, at itatalaga ko si Aaron at ang mga anak niya sa paglilingkod sa akin bilang mga pari.

Exodus 29:44 (UKJV) And I will sanctify the tabernacle of the congregation, and the altar: I will sanctify also both Aaron and his sons, to minister to me in the priest's office.

42“Ang handog na sinusunog na ito ay panghabang panahong iaalay ninyo hanggang sa mga susunod pang henerasyon. Ihandog ninyo ito sa aking presensya, doon sa may pintuan ng Toldang Tipanan kung saan ako makikipagkita at makikipag-usap sa iyo.

43Doon din ako makikipagkita sa mga Israelita, at magiging banal ito dahil sa aking kaluwalhatian.

44“Kaya gagawin kong banal ang Tabernakulo at ang altar, at itatalaga ko si Aaron at ang mga anak niya sa paglilingkod sa akin bilang mga pari.

45Maninirahan ako kasama ng mga Israelita at akoʼy magiging Diyos nila.

46Malalaman nila na ako ang Panginoon na kanilang Diyos na naglabas sa kanila mula sa Ehipto upang makapanirahan akong kasama nila. Ako ang Panginoon na kanilang Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.