41Sa paghahandog mo ng tupa sa dapit-hapon, ihandog mo rin ang mga nabanggit na harina at inumin. Ang handog na ito ay nakakalugod ang samyo sa akin.
42“Ang handog na sinusunog na ito ay panghabang panahong iaalay ninyo hanggang sa mga susunod pang henerasyon. Ihandog ninyo ito sa aking presensya, doon sa may pintuan ng Toldang Tipanan kung saan ako makikipagkita at makikipag-usap sa iyo.
43Doon din ako makikipagkita sa mga Israelita, at magiging banal ito dahil sa aking kaluwalhatian.
44“Kaya gagawin kong banal ang Tabernakulo at ang altar, at itatalaga ko si Aaron at ang mga anak niya sa paglilingkod sa akin bilang mga pari.
45Maninirahan ako kasama ng mga Israelita at akoʼy magiging Diyos nila.