Exodus 29

Sa paghahandog mo ng tupa sa dapit-hapon, ihandog mo rin ang mga nabanggit na harina at inumin. Ang handog na ito ay nakakalugod ang samyo sa akin.

Exodus 29:41 (UKJV) And the other lamb you shall offer at even, and shall do thereto according to the food offering of the morning, and according to the drink offering thereof, for a sweet savour, an offering made by fire unto the LORD.

39Isa sa umaga at isa sa dapit-hapon.

40Sa paghahandog mo ng tupa sa umaga, maghandog ka rin ng dalawang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng isang litrong langis mula sa pinigang olibo. Maghandog ka rin ng isang litrong alak bilang handog na inumin.

41Sa paghahandog mo ng tupa sa dapit-hapon, ihandog mo rin ang mga nabanggit na harina at inumin. Ang handog na ito ay nakakalugod ang samyo sa akin.

42“Ang handog na sinusunog na ito ay panghabang panahong iaalay ninyo hanggang sa mga susunod pang henerasyon. Ihandog ninyo ito sa aking presensya, doon sa may pintuan ng Toldang Tipanan kung saan ako makikipagkita at makikipag-usap sa iyo.

43Doon din ako makikipagkita sa mga Israelita, at magiging banal ito dahil sa aking kaluwalhatian.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.