Exodus 29

“Ang handog na sinusunog na ito ay panghabang panahong iaalay ninyo hanggang sa mga susunod pang henerasyon. Ihandog ninyo ito sa aking presensya, doon sa may pintuan ng Toldang Tipanan kung saan ako makikipagkita at makikipag-usap sa iyo.

Exodus 29:42 (UKJV) This shall be a continual burnt offering throughout your generations at the door of the tabernacle of the congregation before the LORD: where I will meet you, to speak there unto you.

40Sa paghahandog mo ng tupa sa umaga, maghandog ka rin ng dalawang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng isang litrong langis mula sa pinigang olibo. Maghandog ka rin ng isang litrong alak bilang handog na inumin.

41Sa paghahandog mo ng tupa sa dapit-hapon, ihandog mo rin ang mga nabanggit na harina at inumin. Ang handog na ito ay nakakalugod ang samyo sa akin.

42“Ang handog na sinusunog na ito ay panghabang panahong iaalay ninyo hanggang sa mga susunod pang henerasyon. Ihandog ninyo ito sa aking presensya, doon sa may pintuan ng Toldang Tipanan kung saan ako makikipagkita at makikipag-usap sa iyo.

43Doon din ako makikipagkita sa mga Israelita, at magiging banal ito dahil sa aking kaluwalhatian.

44“Kaya gagawin kong banal ang Tabernakulo at ang altar, at itatalaga ko si Aaron at ang mga anak niya sa paglilingkod sa akin bilang mga pari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.