Exodus 30

Isang beses sa bawat taon, kailangang gawin ni Aaron ang seremonya para sa kapatawaran ng mga kasalanan sa altar sa pamamagitan ng pagpapahid ng dugo sa parang mga sungay na sulok nito. Ang dugong ipapahid ay galing sa handog para sa kasalanan. Dapat itong gawin taon-taon maging ng mga susunod pang henerasyon, sapagkat ang altar na ito ay napakabanal dahil itinalaga ito para sa akin.”

Exodus 30:10 (UKJV) And Aaron shall make an atonement upon the horns of it once in a year with the blood of the sin offering of atonements: once in the year shall he make atonement upon it throughout your generations: it is most holy unto the LORD.

8At sa dapit-hapon, kapag magsisindi siya ng ilaw, magsusunog siyang muli ng insenso. Dapat itong gawin araw-araw sa aking harapan ng susunod pang mga henerasyon.

9Huwag kayong mag-aalay sa altar na ito ng ibang insenso, o kahit anong handog na sinusunog, o handog pangkapayapaan, o handog na inumin.

10Isang beses sa bawat taon, kailangang gawin ni Aaron ang seremonya para sa kapatawaran ng mga kasalanan sa altar sa pamamagitan ng pagpapahid ng dugo sa parang mga sungay na sulok nito. Ang dugong ipapahid ay galing sa handog para sa kasalanan. Dapat itong gawin taon-taon maging ng mga susunod pang henerasyon, sapagkat ang altar na ito ay napakabanal dahil itinalaga ito para sa akin.”

11Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises,

12“Kapag isesensus mo ang mga mamamayan ng Israel, ang bawat mabibilang ay magbabayad sa akin para sa buhay niya, upang walang kapahamakang dumating sa kanya habang binibilang mo sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.