Exodus 30

Italaga mo ang mga bagay na ito upang maging napakabanal ang mga ito. At ang lahat ng hahawak sa mga ito ay magiging banal.

Exodus 30:29 (UKJV) And you shall sanctify them, that they may be most holy: whatsoever touches them shall be holy.

27ang mesa at ang lahat ng kagamitan nito, ang ilawan at ang lahat ng kagamitan nito, ang altar na pinagsusunugan ng insenso,

28ang altar na pagsusunugan ng mga handog na sinusunog at ang lahat ng kagamitan nito, at ang planggana kasama ang patungan nito.

29Italaga mo ang mga bagay na ito upang maging napakabanal ang mga ito. At ang lahat ng hahawak sa mga ito ay magiging banal.

30“Buhusan mo rin ng langis si Aaron at ang mga anak niya at italaga sila upang makapaglingkod bilang mga pari.

31Sabihin mo sa mga Israelita na ito ang aking banal na langis ng pagtatalagang gagamitin hanggang sa mga susunod pang mga henerasyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.