13Alalahanin po ninyo ang ipinangako nʼyo sa inyong lingkod na sina Abraham, Isaac, at Jacob na pararamihin ninyo ang lahi nila na kasindami ng bituin sa langit, at ibibigay ninyo sa lahi nila ang lahat ng lupaing ipinangako ninyo sa kanila, at magiging kanila ito magpakailanman.”
14Kaya hindi na itinuloy ng Panginoon ang plano niyang pagpatay sa kanyang mga mamamayan.
15Bumaba si Moises ng bundok na dala ang dalawang malalapad na batong kinasusulatan ng mga utos ng Diyos. Nakasulat ang mga utos sa harap at likod ng bato.
16Ang Diyos mismo ang gumawa ng dalawang malalapad na bato at ng mga nakaukit na salitang nakasulat dito.
17Nang marinig ni Josue ang kaguluhan ng mga tao, sinabi niya kay Moises, “Parang may ingay ng digmaan sa kampo.”