Exodus 32

Ang Diyos mismo ang gumawa ng dalawang malalapad na bato at ng mga nakaukit na salitang nakasulat dito.

Exodus 32:16 (UKJV) And the tables were the work of God, and the writing was the writing of God, graven upon the tables.

14Kaya hindi na itinuloy ng Panginoon ang plano niyang pagpatay sa kanyang mga mamamayan.

15Bumaba si Moises ng bundok na dala ang dalawang malalapad na batong kinasusulatan ng mga utos ng Diyos. Nakasulat ang mga utos sa harap at likod ng bato.

16Ang Diyos mismo ang gumawa ng dalawang malalapad na bato at ng mga nakaukit na salitang nakasulat dito.

17Nang marinig ni Josue ang kaguluhan ng mga tao, sinabi niya kay Moises, “Parang may ingay ng digmaan sa kampo.”

18Sumagot si Moises, “Hindi ingay ng digmaan ang naririnig ko kundi ingay ng mga awitan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.