Exodus 32

Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Kung sino ang nagkasala sa akin, ang pangalan niya ang buburahin ko sa aklat ko.

Exodus 32:33 (UKJV) And the LORD said unto Moses, Whosoever has sinned against me, him will I blot out of my book.

31Kaya bumalik si Moises sa Panginoon at sinabi, “Malaking kasalanan po ang nagawa ng mga taong ito. Gumawa sila ng diyos-diyosang ginto.

32Ngunit ngayon, patawarin nʼyo po sila sa kanilang mga kasalanan. Kung hindi ninyo sila mapapatawad, burahin na lang ninyo ang aking pangalan sa aklat na sinulatan nʼyo ng pangalan ng inyong mga mamamayan.”

33Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Kung sino ang nagkasala sa akin, ang pangalan niya ang buburahin ko sa aklat ko.

34Lumakad ka na at pangunahan ang mga tao papunta sa lugar na sinabi ko sa iyo, at pangungunahan kayo ng anghel ko. Ngunit darating ang panahon na paparusahan ko sila sa mga kasalanan nila.”

35At nagpadala ang Panginoon ng mga karamdaman sa mga Israelita dahil sinamba nila ang diyos-diyosang baka na ginawa ni Aaron.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.