Exodus 34

Huwag kang gagawa ng kasunduan sa mga tao sa lupaing pupuntahan ninyo, dahil magiging bitag ito para sa inyo.

Exodus 34:12 (UKJV) Take heed to yourself, lest you make a covenant with the inhabitants of the land where you go, lest it be for a snare in the midst of you:

10Sinabi ng Panginoon, “Gagawa ako ng kasunduan sa inyo. Sa harap ng lahat ng iyong mga kababayan, gagawa ako ng mga kababalaghang hinding-hindi ko pa nagagawa sa kahit saang bansa sa buong mundo. Makikita ng mga mamamayan sa palibot ninyo ang mga bagay na gagawin ko sa pamamagitan mo.

11Sundin mo ang iniuutos ko sa iyo sa araw na ito. Itataboy ko sa harap mo ang mga Amoreo, Cananeo, Heteo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo.

12Huwag kang gagawa ng kasunduan sa mga tao sa lupaing pupuntahan ninyo, dahil magiging bitag ito para sa inyo.

13Sa halip, gibain ninyo ang kanilang mga altar, durugin ang kanilang mga alaalang bato, at putulin ang kanilang mga posteng imahen ni Ashera.

14Hindi kayo dapat magkaroon ng ibang diyos maliban sa akin. Dahil ako, ang Panginoon, Mapanibugho ang pangalan ko at ayaw kong may kaagaw sa inyong pagsamba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.