Exodus 34

Sinabi ng Panginoon, “Gagawa ako ng kasunduan sa inyo. Sa harap ng lahat ng iyong mga kababayan, gagawa ako ng mga kababalaghang hinding-hindi ko pa nagagawa sa kahit saang bansa sa buong mundo. Makikita ng mga mamamayan sa palibot ninyo ang mga bagay na gagawin ko sa pamamagitan mo.

Exodus 34:10 (UKJV) And he said, Behold, I make a covenant: before all your people I will do marvels, such as have not been done in all the earth, nor in any nation: and all the people among which you are shall see the work of the LORD: for it is a terrible thing that I will do with you.

8Nagpatirapa si Moises sa lupa at sumamba.

9Sinabi niya, “O Panginoon, kung nalulugod po kayo sa akin, nakikiusap po akong sumáma kayo sa amin. Kahit na matigas ang ulo ng mga taong ito, patawarin po ninyo kami sa aming kasamaan at mga kasalanan. Tanggapin po ninyo kami bilang inyong mga mamamayan.”

10Sinabi ng Panginoon, “Gagawa ako ng kasunduan sa inyo. Sa harap ng lahat ng iyong mga kababayan, gagawa ako ng mga kababalaghang hinding-hindi ko pa nagagawa sa kahit saang bansa sa buong mundo. Makikita ng mga mamamayan sa palibot ninyo ang mga bagay na gagawin ko sa pamamagitan mo.

11Sundin mo ang iniuutos ko sa iyo sa araw na ito. Itataboy ko sa harap mo ang mga Amoreo, Cananeo, Heteo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo.

12Huwag kang gagawa ng kasunduan sa mga tao sa lupaing pupuntahan ninyo, dahil magiging bitag ito para sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.