Exodus 34

Sinabi niya, “O Panginoon, kung nalulugod po kayo sa akin, nakikiusap po akong sumáma kayo sa amin. Kahit na matigas ang ulo ng mga taong ito, patawarin po ninyo kami sa aming kasamaan at mga kasalanan. Tanggapin po ninyo kami bilang inyong mga mamamayan.”

Exodus 34:9 (UKJV) And he said, If now I have found grace in your sight, O LORD, let my LORD, I pray you, go among us; for it is a stubborn people; and pardon our iniquity and our sin, and take us for yours inheritance.

7Ipinapakita ko ang pagmamahal ko sa maraming tao, at pinapatawad ko ang mga kasamaan nila, pagsuway at mga kasalanan. Ngunit pinaparusahan ko ang mga nagkakasala, pati na ang kanilang salinlahi hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon.”

8Nagpatirapa si Moises sa lupa at sumamba.

9Sinabi niya, “O Panginoon, kung nalulugod po kayo sa akin, nakikiusap po akong sumáma kayo sa amin. Kahit na matigas ang ulo ng mga taong ito, patawarin po ninyo kami sa aming kasamaan at mga kasalanan. Tanggapin po ninyo kami bilang inyong mga mamamayan.”

10Sinabi ng Panginoon, “Gagawa ako ng kasunduan sa inyo. Sa harap ng lahat ng iyong mga kababayan, gagawa ako ng mga kababalaghang hinding-hindi ko pa nagagawa sa kahit saang bansa sa buong mundo. Makikita ng mga mamamayan sa palibot ninyo ang mga bagay na gagawin ko sa pamamagitan mo.

11Sundin mo ang iniuutos ko sa iyo sa araw na ito. Itataboy ko sa harap mo ang mga Amoreo, Cananeo, Heteo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.