24Nagdala ang iba ng pilak o kaya naman ay tanso, at mga kahoy na akasya bilang handog sa Panginoon.
25Nagdala naman ng mga lanang kulay asul, ube at pula, at pinong lino ang mga babaeng may kakayahang gumawa ng tela.
26At ang mga babae namang mahusay gumawa ng tela mula sa balahibo ng kambing ay kusang-loob na ginawa nito.
27Nagdala ang mga pinuno ng mga batong onise at iba pang mamahaling bato upang ilagay sa efod at sa pektoral.
28Nagdala rin sila ng mga sangkap at langis ng olibo para sa ilaw, para sa langis na pamahid at pabango sa insenso.