13Gumawa rin sila ng limampung kawit na ginto upang mapagkabit ang parang mga singsing sa dalawang pinagdugtong na tabing. Sa pamamagitan nito, naging buo ang Tabernakulo.
14Kaya gumawa sila ng talukbong para sa Tolda. Labing-isang pirasong tela na gawa sa balahibo ng kambing ang gagamitin sa paggawa nito.
15May haba na apatnapuʼt limang talampakan ang bawat tela at may anim na talampakan ang lapad.
16Pinagdugtong-dugtong nila ang limang tela, at ganoon din ang ginawa nila sa natirang anim.
17Nilagyan nila ng limampung parang singsing ang bawat gilid ng pinagdugtong na mga tela,