11Ginawan nila ng parang singsing na gawa sa telang asul ang pinakadulong gilid ng bawat pinagdugtong na tabing,
12limampung parang singsing sa isang tabing at limampu rin sa isa pa, at ang mga ito ay kailangang magkatapat sa isaʼt isa.
13Gumawa rin sila ng limampung kawit na ginto upang mapagkabit ang parang mga singsing sa dalawang pinagdugtong na tabing. Sa pamamagitan nito, naging buo ang Tabernakulo.
14Kaya gumawa sila ng talukbong para sa Tolda. Labing-isang pirasong tela na gawa sa balahibo ng kambing ang gagamitin sa paggawa nito.
15May haba na apatnapuʼt limang talampakan ang bawat tela at may anim na talampakan ang lapad.