Exodus 36

Kaya gumawa sila ng talukbong para sa Tolda. Labing-isang pirasong tela na gawa sa balahibo ng kambing ang gagamitin sa paggawa nito.

Exodus 36:14 (UKJV) And he made curtains of goats' hair for the tent over the tabernacle: eleven curtains he made them.

12limampung parang singsing sa isang tabing at limampu rin sa isa pa, at ang mga ito ay kailangang magkatapat sa isaʼt isa.

13Gumawa rin sila ng limampung kawit na ginto upang mapagkabit ang parang mga singsing sa dalawang pinagdugtong na tabing. Sa pamamagitan nito, naging buo ang Tabernakulo.

14Kaya gumawa sila ng talukbong para sa Tolda. Labing-isang pirasong tela na gawa sa balahibo ng kambing ang gagamitin sa paggawa nito.

15May haba na apatnapuʼt limang talampakan ang bawat tela at may anim na talampakan ang lapad.

16Pinagdugtong-dugtong nila ang limang tela, at ganoon din ang ginawa nila sa natirang anim.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.