30Kaya may walong tabla sa bahaging ito ng Tolda, at nakasuksok ito sa labing-anim na patungang pilak, dalawang patungan sa bawat tabla.
31Gumawa rin sila ng mga akasyang biga, lima para sa bahaging hilaga ng Tolda,
32lima rin sa bahaging timog, at lima rin sa bahaging kanluran, sa likod ng Tolda.
33Ang biga sa gitna ng balangkas ay inilagay nila mula sa dulo ng Tolda papunta sa kabilang dulo nito.
34Binalutan nila ng ginto ang mga tabla at nilagyan ng gintong argolya na siyang humahawak sa mga tabla. Binalutan din nila ng ginto ang mga biga.