32lima rin sa bahaging timog, at lima rin sa bahaging kanluran, sa likod ng Tolda.
33Ang biga sa gitna ng balangkas ay inilagay nila mula sa dulo ng Tolda papunta sa kabilang dulo nito.
34Binalutan nila ng ginto ang mga tabla at nilagyan ng gintong argolya na siyang humahawak sa mga tabla. Binalutan din nila ng ginto ang mga biga.
35Gumawa rin sila ng kurtina na mula sa hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula. At maayos na nabuburdahan ng larawan ng kerubin.
36Gumawa rin sila ng apat na haligi ng akasya na may mga kawit na ginto, at ikinabit nila roon ang kurtina. Ang apat na haligi ay nakasuksok sa apat na patungang pilak.