Exodus 36

Ang biga sa gitna ng balangkas ay inilagay nila mula sa dulo ng Tolda papunta sa kabilang dulo nito.

Exodus 36:33 (UKJV) And he made the middle bar to shoot through the boards from the one end to the other.

31Gumawa rin sila ng mga akasyang biga, lima para sa bahaging hilaga ng Tolda,

32lima rin sa bahaging timog, at lima rin sa bahaging kanluran, sa likod ng Tolda.

33Ang biga sa gitna ng balangkas ay inilagay nila mula sa dulo ng Tolda papunta sa kabilang dulo nito.

34Binalutan nila ng ginto ang mga tabla at nilagyan ng gintong argolya na siyang humahawak sa mga tabla. Binalutan din nila ng ginto ang mga biga.

35Gumawa rin sila ng kurtina na mula sa hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula. At maayos na nabuburdahan ng larawan ng kerubin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.