Exodus 36

Para sa pintuan ng bakuran, nilagyan nila ng tabing na gawa sa lanang asul, ube at pula at hinabing pinong lino. At binurdahan ng mambuburda.

Exodus 36:37 (UKJV) And he made an hanging for the tabernacle door of blue, and purple, and scarlet, and fine twined linen, of needlework;

35Gumawa rin sila ng kurtina na mula sa hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula. At maayos na nabuburdahan ng larawan ng kerubin.

36Gumawa rin sila ng apat na haligi ng akasya na may mga kawit na ginto, at ikinabit nila roon ang kurtina. Ang apat na haligi ay nakasuksok sa apat na patungang pilak.

37Para sa pintuan ng bakuran, nilagyan nila ng tabing na gawa sa lanang asul, ube at pula at hinabing pinong lino. At binurdahan ng mambuburda.

38Gumawa rin sila ng limang haligi na may mga kawit, at ikinabit nila rito ang kurtina. Ang mga haliging itoʼy nababalutan ng ginto pati na ang mga ulo at baras nito, at nakasuksok ito sa limang patungang tanso.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.