36Gumawa rin sila ng apat na haligi ng akasya na may mga kawit na ginto, at ikinabit nila roon ang kurtina. Ang apat na haligi ay nakasuksok sa apat na patungang pilak.
37Para sa pintuan ng bakuran, nilagyan nila ng tabing na gawa sa lanang asul, ube at pula at hinabing pinong lino. At binurdahan ng mambuburda.
38Gumawa rin sila ng limang haligi na may mga kawit, at ikinabit nila rito ang kurtina. Ang mga haliging itoʼy nababalutan ng ginto pati na ang mga ulo at baras nito, at nakasuksok ito sa limang patungang tanso.