Exodus 38

Isinuksok nila ang mga tukod sa argolya sa bawat gilid ng altar upang mabuhat ito. Tabla ang ginawa nilang altar at bakante ang loob.

Exodus 38:7 (UKJV) And he put the staves into the rings on the sides of the altar, to bear it likewise; he made the altar hollow with boards.

5Gumawa rin sila ng apat na argolyang tanso at ikinabit ito sa apat na sulok ng parilyang tanso. Ang mga argolyang ito ang pagsusuksukan ng mga tukod na pambuhat sa altar.

6Ang mga tukod ay gawa sa kahoy ng akasya at binalutan ng tanso.

7Isinuksok nila ang mga tukod sa argolya sa bawat gilid ng altar upang mabuhat ito. Tabla ang ginawa nilang altar at bakante ang loob.

8Pagkatapos, gumawa sila ng tansong palanggana. Ang patungan nito ay tanso rin. Ang mga tansong ginamit dito ay galing sa salamin ng mga babaeng naglilingkod sa pintuan ng Tabernakulo.

9Ginawa nila ang bakuran ang Tabernakulo, at pinalibutan ito ng mga kurtinang hinabing pinong lino. Ang haba ng kurtina sa bandang timog ay 150 talampakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.