Exodus 39

Gumawa sila ng sinulid na ginto sa pamamagitan ng pagpanday sa ginto at paghahati-hati rito nang manipis. Pagkatapos, ibinurda nila ito sa pinong lino, kasama ng lanang kulay asul, ube at pula. Napakaganda ng pagkakaburda nito.

Exodus 39:3 (UKJV) And they did beat the gold into thin plates, and cut it into wires, to work it in the blue, and in the purple, and in the scarlet, and in the fine linen, with cunning work.

1Tumahi rin sina Bezalel ng banal na mga damit para sa mga pari na gagamitin nila kung silaʼy maninilbihan sa Banal na Lugar. Ang telang ginamit nila ay lanang kulay asul, ube at pula. Ito rin ang telang ginamit nila sa pagtahi ng damit ni Aaron ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

2Nagtahi rin sila ng efod ng mga pari. Ang telang ginamit nila ay hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula.

3Gumawa sila ng sinulid na ginto sa pamamagitan ng pagpanday sa ginto at paghahati-hati rito nang manipis. Pagkatapos, ibinurda nila ito sa pinong lino, kasama ng lanang kulay asul, ube at pula. Napakaganda ng pagkakaburda nito.

4May dalawang parte ang damit na ito, sa likod at harap, at pinagdudugtong ito ng dalawang tirante sa may balikat.

5Ang sinturon nito ay gawa sa hinabing pinong lino na binurdahan ng gintong sinulid at lanang kulay asul, ube at pula. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.