Exodus 39

Ang sinturon nito ay gawa sa hinabing pinong lino na binurdahan ng gintong sinulid at lanang kulay asul, ube at pula. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

Exodus 39:5 (UKJV) And the curious girdle of his ephod, that was upon it, was of the same, according to the work thereof; of gold, blue, and purple, and scarlet, and fine twined linen; as the LORD commanded Moses.

3Gumawa sila ng sinulid na ginto sa pamamagitan ng pagpanday sa ginto at paghahati-hati rito nang manipis. Pagkatapos, ibinurda nila ito sa pinong lino, kasama ng lanang kulay asul, ube at pula. Napakaganda ng pagkakaburda nito.

4May dalawang parte ang damit na ito, sa likod at harap, at pinagdudugtong ito ng dalawang tirante sa may balikat.

5Ang sinturon nito ay gawa sa hinabing pinong lino na binurdahan ng gintong sinulid at lanang kulay asul, ube at pula. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

6Ikinabit nila ang mga batong onise sa balangkas na ginto. Inukitan nila ito ng pangalan ng mga anak ni Jacob gaya ng pagkakaukit sa pantatak.

7Ikinabit nila ito sa mga tirante ng efod bilang mga alaalang bato para sa lahi ng Israel. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.