Exodus 39

Ikinabit nila ang mga batong onise sa balangkas na ginto. Inukitan nila ito ng pangalan ng mga anak ni Jacob gaya ng pagkakaukit sa pantatak.

Exodus 39:6 (UKJV) And they wrought onyx stones enclosed in casings of gold, graven, as signets are graven, with the names of the children of Israel.

4May dalawang parte ang damit na ito, sa likod at harap, at pinagdudugtong ito ng dalawang tirante sa may balikat.

5Ang sinturon nito ay gawa sa hinabing pinong lino na binurdahan ng gintong sinulid at lanang kulay asul, ube at pula. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

6Ikinabit nila ang mga batong onise sa balangkas na ginto. Inukitan nila ito ng pangalan ng mga anak ni Jacob gaya ng pagkakaukit sa pantatak.

7Ikinabit nila ito sa mga tirante ng efod bilang mga alaalang bato para sa lahi ng Israel. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

8Gumawa rin sila ng pektoral at napakaganda ng pagkakagawa nito. Ang tela nitoʼy katulad din ng tela ng efod: hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang gintong sinulid, lanang kulay asul, ube at pula.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.