Exodus 39

Ang bulsa na nasa dibdib ay nakatupi ng doble at parisukat – siyam na pulgada ang haba at siyam na pulgada rin ang lapad.

Exodus 39:9 (UKJV) It was foursquare; they made the breastplate double: a span was the length thereof, and a span the breadth thereof, being doubled.

7Ikinabit nila ito sa mga tirante ng efod bilang mga alaalang bato para sa lahi ng Israel. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

8Gumawa rin sila ng pektoral at napakaganda ng pagkakagawa nito. Ang tela nitoʼy katulad din ng tela ng efod: hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang gintong sinulid, lanang kulay asul, ube at pula.

9Ang bulsa na nasa dibdib ay nakatupi ng doble at parisukat – siyam na pulgada ang haba at siyam na pulgada rin ang lapad.

10Inilagay nila rito ang apat na hanay ng mamahaling mga bato. Sa unang hanay nakalagay ang rubi, topaz, at beril;

11sa ikalawang hanay, esmeralda, safiro at turkois;

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.