Exodus 4

Nagtanong si Moises, “Paano po kung hindi maniwala sa akin ang mga Israelita o makinig sa sasabihin ko? Sapagkat baka sabihin nila, ‘Hindi naman nagpakita ang Panginoon saʼyo.’ ”

Exodus 4:1 (UKJV) And Moses answered and said, But, behold, they will not believe me, nor hearken unto my voice: for they will say, The LORD has not appeared unto you.

1Nagtanong si Moises, “Paano po kung hindi maniwala sa akin ang mga Israelita o makinig sa sasabihin ko? Sapagkat baka sabihin nila, ‘Hindi naman nagpakita ang Panginoon saʼyo.’ ”

2Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ano iyang hawak mo?” Sumagot si Moises, “Tungkod po.”

3Sinabi ng Panginoon, “Ihagis mo sa lupa.” Kaya inihagis ni Moises ang tungkod at naging ahas ito. Napatakbo siya sa takot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.