Exodus 4

Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ano iyang hawak mo?” Sumagot si Moises, “Tungkod po.”

Exodus 4:2 (UKJV) And the LORD said unto him, What is that in yours hand? And he said, A rod.

1Nagtanong si Moises, “Paano po kung hindi maniwala sa akin ang mga Israelita o makinig sa sasabihin ko? Sapagkat baka sabihin nila, ‘Hindi naman nagpakita ang Panginoon saʼyo.’ ”

2Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ano iyang hawak mo?” Sumagot si Moises, “Tungkod po.”

3Sinabi ng Panginoon, “Ihagis mo sa lupa.” Kaya inihagis ni Moises ang tungkod at naging ahas ito. Napatakbo siya sa takot.

4Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Hulihin mo ito sa buntot.” Kaya hinuli ito ni Moises at muling naging tungkod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.