Exodus 4

Sinabi ng Panginoon, “Ihagis mo sa lupa.” Kaya inihagis ni Moises ang tungkod at naging ahas ito. Napatakbo siya sa takot.

Exodus 4:3 (UKJV) And he said, Cast it on the ground. And he cast it on the ground, and it became a serpent; and Moses fled from before it.

1Nagtanong si Moises, “Paano po kung hindi maniwala sa akin ang mga Israelita o makinig sa sasabihin ko? Sapagkat baka sabihin nila, ‘Hindi naman nagpakita ang Panginoon saʼyo.’ ”

2Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ano iyang hawak mo?” Sumagot si Moises, “Tungkod po.”

3Sinabi ng Panginoon, “Ihagis mo sa lupa.” Kaya inihagis ni Moises ang tungkod at naging ahas ito. Napatakbo siya sa takot.

4Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Hulihin mo ito sa buntot.” Kaya hinuli ito ni Moises at muling naging tungkod.

5Sinabi ng Panginoon, “Gawin mo ang himalang ito upang maniwala sila na ako ang Panginoon, ang Diyos ng mga ninuno nilang sina Abraham, Isaac, at Jacob ay nagpakita sa iyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.