16Si Aaron ang magsasalita sa mga tao para sa iyo. Turuan mo siya ng mga sasabihin niya na parang ikaw ang Diyos.
17Dalhin mo ang tungkod mo para sa pamamagitan nito ay makagawa ka ng mga himala.”
18Bumalik si Moises sa biyenan niyang si Jetro at sinabi sa kanya, “Payagan po ninyo akong bumalik sa mga kababayan ko sa Ehipto upang tingnan kung buháy pa sila.” Sinabi ni Jetro, “Humayo ka, at maging maayos sana ang paglalakbay mo.”
19Bago umalis si Moises sa Midian, sinabi sa kanya ng Panginoon, “Bumalik ka na sa Ehipto. Patay na ang mga gustong pumatay sa iyo.”
20Kaya kinuha ni Moises ang asawa niya at mga anak na lalaki, at pinasakay sa asno at bumalik sa Ehipto. Dinala rin niya ang tungkod ng Diyos.