18Bumalik si Moises sa biyenan niyang si Jetro at sinabi sa kanya, “Payagan po ninyo akong bumalik sa mga kababayan ko sa Ehipto upang tingnan kung buháy pa sila.” Sinabi ni Jetro, “Humayo ka, at maging maayos sana ang paglalakbay mo.”
19Bago umalis si Moises sa Midian, sinabi sa kanya ng Panginoon, “Bumalik ka na sa Ehipto. Patay na ang mga gustong pumatay sa iyo.”
20Kaya kinuha ni Moises ang asawa niya at mga anak na lalaki, at pinasakay sa asno at bumalik sa Ehipto. Dinala rin niya ang tungkod ng Diyos.
21Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Pagdating mo sa Ehipto, gawin mo sa harapan ng Faraon ang lahat ng kababalaghang ipinapagawa ko sa iyo. Binigyan kita ng kapangyarihang gawin iyan. Ngunit patitigasin ko ang puso ng hari upang hindi niya payagang umalis ang mga Israelita.
22Pagkatapos, sabihin mo sa kanya, ‘Sinabi ng Panginoon na: Itinuturing ko ang Israel na panganay kong anak na lalaki,