Exodus 4

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Pagdating mo sa Ehipto, gawin mo sa harapan ng Faraon ang lahat ng kababalaghang ipinapagawa ko sa iyo. Binigyan kita ng kapangyarihang gawin iyan. Ngunit patitigasin ko ang puso ng hari upang hindi niya payagang umalis ang mga Israelita.

Exodus 4:21 (UKJV) And the LORD said unto Moses, When you go to return into Egypt, see that you do all those wonders before Pharaoh, which I have put in yours hand: but I will harden his heart, that he shall not let the people go.

19Bago umalis si Moises sa Midian, sinabi sa kanya ng Panginoon, “Bumalik ka na sa Ehipto. Patay na ang mga gustong pumatay sa iyo.”

20Kaya kinuha ni Moises ang asawa niya at mga anak na lalaki, at pinasakay sa asno at bumalik sa Ehipto. Dinala rin niya ang tungkod ng Diyos.

21Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Pagdating mo sa Ehipto, gawin mo sa harapan ng Faraon ang lahat ng kababalaghang ipinapagawa ko sa iyo. Binigyan kita ng kapangyarihang gawin iyan. Ngunit patitigasin ko ang puso ng hari upang hindi niya payagang umalis ang mga Israelita.

22Pagkatapos, sabihin mo sa kanya, ‘Sinabi ng Panginoon na: Itinuturing ko ang Israel na panganay kong anak na lalaki,

23kaya iniuutos ko sa iyo na payagan mo silang umalis upang makasamba sa akin, pero hindi ka pumayag. Kaya papatayin ko ang panganay mong na anak na lalaki!’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.