21Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Pagdating mo sa Ehipto, gawin mo sa harapan ng Faraon ang lahat ng kababalaghang ipinapagawa ko sa iyo. Binigyan kita ng kapangyarihang gawin iyan. Ngunit patitigasin ko ang puso ng hari upang hindi niya payagang umalis ang mga Israelita.
22Pagkatapos, sabihin mo sa kanya, ‘Sinabi ng Panginoon na: Itinuturing ko ang Israel na panganay kong anak na lalaki,
23kaya iniuutos ko sa iyo na payagan mo silang umalis upang makasamba sa akin, pero hindi ka pumayag. Kaya papatayin ko ang panganay mong na anak na lalaki!’ ”
24Nang naglalakbay na sina Moises at ang kanyang pamilya, nagpahinga sila sa isang bahay-pahingahan. Pinuntahan ng Panginoon si Moises at pinagtangkaang patayin.
25Ngunit kumuha si Zipora ng matalim na batong gawa sa bato at tinuli ang kanyang anak, at idinikit niya sa paa ni Moises ang naputol na balat. At sinabi niya, “Totoong ikaw ay asawa ko na sa dugo.”