Exodus 40

Maghuhugas sila kapag pumapasok sa Tolda o kapag lalapit sila sa altar ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

Exodus 40:32 (UKJV) When they went into the tent of the congregation, and when they came near unto the altar, they washed; as the LORD commanded Moses.

30Inilagay din niya ang planggana sa pagitan ng Tolda at ng altar. Nilagyan niya ito ng tubig upang paghugasan.

31At naghugas sina Moises, Aaron at ang mga anak niyang lalaki ng mga kamay at paa nila.

32Maghuhugas sila kapag pumapasok sa Tolda o kapag lalapit sila sa altar ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

33Pagkatapos, inilagay ni Moises ang mga kurtina ng bakuran, na nakapaligid sa Tolda at altar, pati ang kurtina sa pintuan ng bakuran. At natapos ni Moises ang lahat ng gawain niya.

34Pagkatapos ng lahat ng ito, binalot ang Tabernakulo ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyo ng isang ulap.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.