Exodus 40

Pagkatapos ng lahat ng ito, binalot ang Tabernakulo ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyo ng isang ulap.

Exodus 40:34 (UKJV) Then a cloud covered the tent of the congregation, and the glory of the LORD filled the tabernacle.

32Maghuhugas sila kapag pumapasok sa Tolda o kapag lalapit sila sa altar ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

33Pagkatapos, inilagay ni Moises ang mga kurtina ng bakuran, na nakapaligid sa Tolda at altar, pati ang kurtina sa pintuan ng bakuran. At natapos ni Moises ang lahat ng gawain niya.

34Pagkatapos ng lahat ng ito, binalot ang Tabernakulo ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyo ng isang ulap.

35Hindi makapasok si Moises sa Tolda dahil nababalot ito ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyong ulap.

36Kapag pumaitaas ang ulap mula sa Tolda at umalis, umaalis din ang mga Israelita sa pinagkakampuhan nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.