33Pagkatapos, inilagay ni Moises ang mga kurtina ng bakuran, na nakapaligid sa Tolda at altar, pati ang kurtina sa pintuan ng bakuran. At natapos ni Moises ang lahat ng gawain niya.
34Pagkatapos ng lahat ng ito, binalot ang Tabernakulo ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyo ng isang ulap.
35Hindi makapasok si Moises sa Tolda dahil nababalot ito ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyong ulap.
36Kapag pumaitaas ang ulap mula sa Tolda at umalis, umaalis din ang mga Israelita sa pinagkakampuhan nila.
37Ngunit kung hindi, hindi rin sila umaalis hanggang sa araw na ito ay pumaitaas.